Kilalanin Ang Babaeng Papakasalan At Nag Pa Bagong Buhay Kay Baron Geisler

Ang bawat tao ay dumadaan sa isang malaking pagbabago sa kanilang buhay. Hindi dapat ginagamit ang nakaraan ng isang tao upang matukoy kung anong klaseng tao ito dahil maaari pa itong magbago. Bawat tao ay may karapatan at kakayahang magbago. Bilang mga kaibigan, dapat binibigyan natin sila ng tyansang ang magbago. Hindi porke at naging masama siya sa mga nakaraang taon ng kanyang buhay ay maging masama na ito habang buhay.

Photo Credit: @jamieevangelista/Instagram
Photo Credit: @jamieevangelista/Instagram




Ito ang husga ng mga tao noon sa aktor na si Baron Geisler. Bilang isang artista at isang tao, masama ang tingin sa kanya ng mga manonood noon. Kilala noon si Baron bilang isang basagulero, kontrobersyal at pasaway na tao at artista. Pero sa kasalukuyan, tila hindi mo na masasabing si Baron Geisler ang Baron ngayon dahil sa laki ng pagbabago sa kanyang pag-uugali. Isa sa mga dahilan ng kanyang pagbabago ay ang kanyang fiancee na nagmula sa Cebu na si Jamie Marie Evangelista. Si Jamie ay isang psychologist at ang taong minamahal ngayon ni Baron.

Photo Credit: @jamieevangelista/Instagram

Si Jamie raw ang tumulong sa kanya sa panahong napakabilis na ng kanyang paligid. Dahil sa kanyang positibong pagbabago, bumalik ulit ang mga proyektong inaalok sa kaniya at sa kasalukuyan ay isa siya sa mga kontrabida sa Ang Probinsyano. Ayon kay Baron, pagod na raw siya sa buhay na palaging gimik. Nais na raw niyang magkaroon ng kaniyang sariling pamilya kasama si Jamie. Bagama’t wala pang petsa kung kailan ang kasalan, napag-usapan na araw nila ito.

Photo Credit: @jamieevangelista/Instagram

Ngunit paano nga ba nagsimula ang kanilang pag-iibigan? Ayon kay Baron, nagsimula raw ito sa asaran. Hindi raw siya trinato bilang iba ni Jamie kahit na alam niyang artista ito. Umusbong ang kanilang pagsasamahan at naging madalas ang kanilang “date” hanggang sa makilala niya ang pamilya ni Jamie at naging sila na. Si Baron ay isang manipestasyon na kahit gaano ka pa kabarumbado sa buhay, lahat tayo ay may karapatan, kakayahan at tiyansang baguhin ang ating sarili para sa ating ikabubuti.

Photo Credit: @baron.geisler/Instagram
Photo Credit: @jamieevangelista/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *