Wowie De Guzman Naalala Ang Tambalan Nila Ni Judy Ann Santos Sa Kanyang Bagong Proyekto

Sa kanyang bagong labas na proyekto ngayon, ibinahagi ni Wowie De Guzman na naalala niya ang noon ay kanyang loveteam at naging karelasyon din na si Judy Ann Santos.




Isa nga sa mga hinahangaan at itinuturing na matinee idol ng 90’s ay ang kilalang actor-dancer na si Wowie De Guzman. Siya rin ay kilala bilang ang kauna-unahang kalove-team ng “Queen of Teleseryes” na si Judy Ann Santos, at unang naging nobya rin ng nasabing aktres.

Image Credit via Google

Ang kanilang tambalan ay talaga naman isa sa pinaka popular na tambalan noon na kung saan ay ang bawat proyektong kanilang ginagawa ay talagang tumatatak sa maraming mga manonood.

Image Credit via Google

Ilan nga sa mga proyektong pinag tambalan at pinagbibidahan ng dalawa ay ang “Paano ang puso ko?”, “Mara Clara”, “Kung Alam Mo Lang”, “Esperanza” at “ Dito sa Puso Ko”.

Image Credit via Google

Ngayon, sa kanyang bagong proyekto ay muling naalala ng matinee idol ang mga panahon niya sa showbiz, kung saan ay kasama at katambal niya pa si Judy Ann sa mga proyektong kanyang ginagawa.

Image Credit via Google

Sa isa ngang Virtual Conference, ay muling inalala ni Wowie ang kanyang nakaraan ni Juday. “Natatawa nga ako eh, kasi ganito pala ang itsura naming noong ginawa namin ang Mara Clara noong nag shoshoot kani nila Judy Ann at Gladys, para akong na-warp siguro mga 20 years ago noong nakikita ko sila,” saad ni Wowee.

Image Credit via Google

“Relate na relate ako sa kanila lalo na pag-dinedirek sila. Nakikita ko din ang sarili ko so nakakatuwa lang na makita mo at mapicture mo ‘yung itsura nila na dumaan din ako sa ganun, kaya I’m sure malayo pa ang mararating nilang lahat”, dagdag pa nito.

Ang bagong ang proyekto na kinabibilangan ng aktor ngayon ay ang “ Ampalaya Chronicles presents Labyu He He”, kung saan ay pinagbibidahan nina Karina Bautista at Aljon Mendoza.




Nagbigay na naman ng payo ng aktor para kay Karina at Aljon, dahil nga naman maituturing na siya na isang bihasa pagdating sa buhay sa showbiz.

“Ang pinaka-importante kasi mahal mo ang ginagawa mo. Based san a-experience ko hindi talaga mag work yan pag wala kayong nagugustuhan sa isa’t isa, because nagta translate sa screen kung ano ang nararamdaman niyo at kung meron na kayo nararamdaman and ‘yun yung magic,” ang naging payo nga ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *