Xander Ford Proud Na Tawagin Ang Kanyang Sarili Na Siya Ang Park Jimin Ng Pinas

Muling umani ng kritisismo mula sa mga netizens online si Marlou Arizala, o mas nakilala ng publiko na si Xander Ford. Ito ay matapos nga niyang tawagin ang kanyang sarili na siya ang “Park Jimin” ng Pilipinas.




Marami ngang mga tagahanga ng Kpop boy band BTS, ang naglabas ng kanilang galit kay Xander Ford, dahil sa sinabi nito sa kanyang Youtube vlog.

Photo Credit: z4nder.official/Instagram

Ayon nga sa ilang mga naging ulat, tila ang ginawang ito ni Xander Ford, ay taktika lamang nito, upang magpapansin naman sa mga tao, ngunit ang kinalabasan nga nito ay marami sa mga “Armys” (BTS fandom name), ay hindi natuwa sa sinabi niyang ito.

Photo Credit: z4nder.official/Instagram

“Ako lang ata kamukha BTS Jimin sa Pilipinas”, ang isa nga sa mga naging post ni Xander Ford, na talaga namang hindi ikatuwa ng maraming mga tagahanga ng Kpop Boyband BTS.

Photo Credit: z4nder.official/Instagram

Paliwanag naman ni Xander Ford, ay madalas naman na niyang ginagawa nag ganitong bagay, na magbigay aliw sa mga netizens, ngunit hindi niya umano maisip na iba ang magiging dating ng kanyang ginawa sa mga ito.

Photo Credit: z4nder.official/Instagram

Lumabas nga online ang mga larawan ni Xander Ford, kung saan ay naka-outfit siya ng katulad sa famous member ng BTS na si Jimin. Maliban pa nga rito, ay ibinahagi rin niya sa kanyang Facebook account, ang isang video, kung saan inilabas niya ang kanyang mga naging photoshoot.

Photo Credit: z4nder.official/Instagram

Ang video nga niyang ito, ay nilakipan niya ng caption na, siya ang National Oppa Park Jimin PH. At kahit nga, ‘enetertainment’ ang nais ihatid ni Xander, ay may ilan ngang mga netizens ang hindi ikinatuwa ang post niyang ito.




Umani nga ng napakaraming negatibong komento mula sa mga netizens, ang post na ito ni Xander Ford. Samatala, isip naman ng publiko na ginawa ni Xander Ford ang pagpapansin na ito upang mag-viral siyang muli.

Posted by Xander Ford on Monday, 14 September 2020”
Ano sa tingin niyo ang post na ito ni Xander Ford? Ginawa niya nga lang ba ito para magpapansin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *