Xian Lim Matapang Na Hinarap Ang Kanyang ‘Fear Of Height’ Ng Subukan Ang Pag-Sky Diving Sa Bansang Dubai

Bawat isa sa atin ay may mga bagay na kinatatakutan, ang iba ay takot sa madilim na lugar, may ibang takot sa manika, takot sa ipis, daga o anumang klase ng hayop, at mayroon din nga na mga indibidwal na takot sa mga matataas na lugar o kung yung tawagin nga ay mayroong ‘fear of height.’




Si Xian Lim ay isa sa mga hinahangaan na aktor ngayon sa industriya ng lokal na showbiz sa Pilipinas, tunay naman kasing ang kanyang husay sa pag-arte at taglay na kagwauhan ay kahanga-hanga, kaya naman marami ang talagang umiidolo sa kanya. Ngunit alam niyo ba na si Xian, ay isa sa mga indibidwal sa mundo ng takot sa heights?

Photo Credit: xianlimm/Instagram

Sa mga nakaraang vlog at panayam ng aktor, ay ibinahagi na niya sa publiko na siya ay may ‘fear of height’ kung saan ay talagang takot nga umano siya sa mga matataas na lugar. Ngunit, tila naman dumating na ang araw na mas nanguna sa aktor ang kanyang tapang, dahil kamakailan nga lamang ay nagawa niyang harapin ang kanyang takot na ito sa mataas na lugar matapos nga niyang subukan ang mag-skydiving.

Photo Credit: xianlimm/Instagram

Bumisita kamakailan lamang sa bansang Dubai ang aktor na si Xian Lim kasama pa nga ang iba pang mga Kapuso artists tulad na lamang nina Julie Ann San Jose at ang nanalo sa The Clash Season 3 na si Jessica Villaburin. At habang nasa nasabi ngang bansa ang aktor para sa trabaho ay nagawa din niya na makapamasyal at ma-enjoy ang iba’t ibang mga aktibidad sa Dubai.

Photo Credit: xianlimm/Instagram

Isa nga sa mga matapang na sinubukan ni Xian ng siya ay nasa bansang Dubai ay ang harapin ang kanyang takot sa heaights, kung saan sinubukan nga niya ang mag-skydiving. Sa kabila nga ng pangamba, ay matagumpay itong nagawa ng aktor, at proud niya nga itong ibinahagi sa kanyang social media.

Photo Credit: xianlimm/Instagram

Ibinahagi ni Xian sa kanyang Instagram account noong ika-1 ng Abril ang hindi niya malilimutang karanasan ng pag-skydiving, kung saan ito nga ang unang beses na ginawa niya ang ganitong aktibidad na siya ring matapang niyang pagharap sa kanyang takot sa height.

Photo Credit: xianlimm/Instagram

Kuwento nga ng aktor, matagumpay niyang nagawa ang sky diving at naharap ang takot niya sa heights sa tulong ng instructor na gumabay sa kanya sa himpapawid.
“When fears are grounded, dreams take flight”, ang naging saad ng aktor sa unang bahagi ng kanyang IG post.

Photo Credit: xianlimm/Instagram

Dagdaga pa niya, “Tinatapik ako ng instructor ang kulit ko daw sa ere.. kung ano-anong hands gesture ang ginagawa ko, gumigiwang aerodynamics.”

Photo Credit: xianlimm/Instagram

Proud girlfriend namana ng aktres na si Kim Chiu para kay Xian dahil nagawa nga ng nobyo na harapin ang takot nito. Nagpabatid din ng kanyang pagka-inggit ang aktres, dahil aniya ay matagal na niyang nais na subukan ang sky diving at nauna pa nga ang boyfriend niyang si Xian na gawin ito. “Grabe! Nainggit ako! Bucket list ko talaga, ito! Ikaw pa nauna! Congrats Xi, proud of you!”, saad nga ni Kim.

Leave a Reply

Your email address will not be published.