Xian Lim May Handog Na Elevator Para Sa Kanyang Lola Para Hindi Ito Mahirapan

Mapapa-Sana All ka nga talaga sa bonggang regalo ng aktor na si Xian Lim sa kanyang minamahal na lola. At yan nga ang naging reaksyon ng mga netizens, ng makita kung ano ang bonggang regalo ni Xian.




Sa Instagram ni Xian, ay nagbahagi ang aktor ng isang video clip, kung saan ay makikita ang kanyang lola, na tuwang-tuwa habang sinusubukan ang pagsakay, sa bagong elevator na ipinalagay ni Xian sa loob ng kanilang tahanan.

Photo Credit: xianlimm/Instagram

Ayon nga sa aktor, ang elevator na ito, ay handog niya para sa kanyang lola. Ito ay upang hidi na ito mahirap sa pag-akyat-baba sa kanilang hagdan, lalo na at may katandaan na ito.
Kalakip ng video clip na ibinahagi ni Xian Lim, ay ang caption ng aktor na;

Photo Credit: xianlimm/Instagram

“This is my lola’s reaction after trying our newly built elevator”, saad ni Xian sa unang bahagi ng kanyang post

Photo Credit: xianlimm/Instagram

“Throughout the course of the pandemic (3 months lockdown), I got to spend time with @mommymaryanne, my lola and lolo and realized how much family times is of huge importance…”, dagdag pa ng aktor.

Photo Credit: xianlimm/Instagram

Makikita nga sa video, ang kasiyahan ng lola ni Xian, ng subukan na nito ang pagsakay sa elevator.

Photo Credit: xianlimm/Instagram

Sa nagingn saad din ni Xian, ay ibinahagi ng aktor, na ng magkaroon ng lockdown, ay doon niya napagtanto na ang pinaka-importanteng bagay pa rin sa buhay ng isang tao, ay ang kanyang pamilya. At ito nga ay madalas na nakakalimutan ng marami sa atin, dahil sa pagiging abala sa kanya-kanya nating mga trabaho.

Photo Credit: xianlimm/Instagram

Samantala, ibinahagi naman ni Xian, na ang kanyang lola, ay may sariling silid-tulugan sa kanilang tahanan, at ito ay nasa unang palapag ng kanilang bahay. Mahilig rin umano ang kanyang lola sa mga cross-stitch collection, at nais ng kanyang lola na laging nakikita ang mga ito.

Photo Credit: xianlimm/Instagram

Kwento pa ni Xian, kaya nagpalagay siya ng elevator sa kanilang tahanan para sa kanyang lola, ay dahil sa kabila ng nasa unang palapag ang kwarto nito, ay hindi pa rin ito mapigil na mag-akyat panaog sa kanilang hagdan.

Photo Credit: xianlimm/Instagram

“She goes up and down the stairs, and ayaw magpapigil… even If I had set up her own room upstairs. A few months have passed and I finally decided to acquire this lift and I’m just so amazed with the final product”, saad ni Xian.

Dagdag na saad pa nga ng aktor, ay ibabahagi niya sa kanyang YouTube vlog, kung paano nila ipinagawa ang elevator sa loob ng kanyang tahanan.
“I’ll post a vlog on a process of setting this whole lift up from ocular, to unboxing, up ‘til construction!”




Mas panatag na rin umano ngayon si Xian, para sa kanyang lola, dahil sa hindi na nito kinakailangan pang umakyat sa hagdan kung nais man nito na pumunta sa ibang palapag ng kanilang bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Batid natin na para sa isang senior, ay delikado na nga talaga ang mag-akyat baba sa hagdan, kaya naman talagang malaking tulong sa lol ani Xian, ang elevator na handog sa kanyang ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *