Yam Concepcion Ibinahagi Ang Sikreto Ng Pagiging Matibay At Matatag Ng Relasyon Kahit Long Distance

Maraming nagmamahal ang dumadaan sa LDR o Long Distance Relationship, ito nga ay dahil sa iba’t ibang mga dahilan. Ngunit ang kadalasan ngang dahilan ay ang pagtupad ng dalawang taong nagmamahalan sa kani-kanilang mga pangarap sa buhay, kung saan ang isa nga ay kinakailangan na magtrabaho sa malayo para bihyang katuparan ang kanyang pangarap.




Tunay nga naman na napakahirap na mapabilang sa samahan na long distance ang relasyon, dahil bukod nga sa mami-miss niyo ang isa’t isa at kinakailangan pa rin na mas patatagin niyo pa ang tiwala niyo sa isa’t isa para mapanatili ang tamis at tatag ng inyong pag-iibigan ng iyong partner o kasintahan.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

Samantala, isa nga sa mga hinahangaan nating aktres sa showbiz ang ngayon ay KDR ang relasyon sa kanyang nobyo, ngunit sa kabila nga ng pagkakalayo nilang dalawa sa isa’t isa ay napapanatili umano nila ang tamis ng kanilang pag-iibigan.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

Sa programa ngang I Feel U ni Toni Gonzaga, ay kanyang nakapanayam ang maganda at seksi na aktres na si Yam Concepcion, isa nga sa mga aktres na ngayon ay nasa LDR ang relasyon. At sa naging chikahan nga na ito ng dalawa, ay ibinahagi ni Yam kung paano nila napapanatili ng kanyang boyfriend na si Miguel Cu-Unjieng ang pagiging matatag ng kanilang relasyon sa kabila ng pagkakalayo nila.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

Ayon nga kay Yam ngayon ay nasa abroad ang kanyang boyfriend dahil doon ito naninirahan, kaya naman bago pa man nga magkaroon ng [email protected] ay nasa estado na ng LDR ang kanilang relasyon ng nobyo kaya naman hindi nab ago sa kanila ang hindi sila nagkakasamang madalas.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

“Sanay na kami ng [long distance relationship], so okay lang. pero swerte nakauwi siya nung December for two weeks”, ang naging pahayag ni Sam. Ibinahagi rin ni Yam sa panayam na ito sa kanya na kahit nga LDR sila ng kanyang boyfriend, ay sinisigurado naman nilang dalawa na nagagampanan nila pareho ang responsibilidad nila sa kanilang relasyon.

Kung kaya naman hindi umano nila nararamdaman, na may distansya ng nakapagitan sa kanilang dalawa. Chika pa ni Yam ay mayroon talagang sikreto sa pagiging matatag ng relasyon lalo na kung LDR, at ito nga ay ang pagkakaroon ng komunikasyon at tiwala sa isa’t isa. “Communication and trust are important”, ani Yam.

Nabanggit rin ng aktres sa panayam na ito sa kanya ni Toni Gonzaga, na ngayon ngang buwan ng Mayo ay muli silang magkakasama ng nobyo, dahil lilipad nga siya patungong New York ngayong buwan na ito.

Sa ngayon nga ay muli nating napapanood si Yam Concepcion sa ating mga telebisyon, dahil sa kanyang bagong proyektong pinagbibidahan na ‘Init sa Magdamag’, isa sa mga serye ngayon ng Kapamilya network na talaga namang sinusubaybayan na ng marami dahil ganda ng mga eksena nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *