Yam Concepcion Ipinasilip Ang Naging Masayang Bakasyon Sa New York Kasama Ang Napakagwapong Non-Showbiz Boyfriend

Nito lamang buwan ng Mayo ay pansamantalang natigil sa kanyang lock-in taping sa seryeng “Init sa Magdamag” ang Kapamilya actress na si Yam Concepcion.




Ito nga ay dahil sa nagpasyang lumipad patungong New York ang aktres upang makapag-enjoy, makasama at lasapin ang masayang buhay kasama ang kanyang napakagwapong non-showbiz boyfriend na kinilalang si Miguel Cu-unjieng.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

Matatandaan na ng makapayan si Yam ng TV host-actress na si Toni Gonzaga sa programa nitong “I Feel U” ay naibahagi ng aktres na marahil ay abutin siya ng dalawa hanggang tatlong buwan sa bansang New York, upang mas masulit nila ng nobyo ang bawat araw na sila ay magkasama.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

Naikuwento rin ni Yam na noong nakaraang buwan ng Disyembre ay nagkasama naman sila ng boyfriend niyang si Miguel, ngunit halos dalawang linggo nga lamang ito.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

Minsan na ngang ibinahagi ng aktres sa mga naging panayam sa kanya noon na LDR o long distance ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend, ngunit sa kabila nga ng pagkakalayo nila sa isa’t isa ay nanatiling matatag at matibay ang kanilang pagsasama kaya naman tumagal na din ng anim na taon ang kanilang pagmamahalan.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

Tila nga nabitin ang magkasintahan sa naging pagkikita nila nung nakaraang buwanng Disyembre dahil sa dalawang linggo nga lamang silang nagkasama, kaya naman talagang ngayon sa naging pagtungo ni Yam sa New York ay sinulit nilang dalawa ang sandal na magkakasama sila ng matagal-tagal na panahon.

Photo Credit: yamconcepcion/Instagram

Samantala, kahit nasa ibang bansa nga ngayon ang aktres na si Yam Concepcion ay patuloy naman itong nagbibigay ng update sa kanyang mga tagahanga patungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay, kung saan sa kanya ngang naging latest vlog ay ipinasilip niya ang masayang pagbabakasyon niya sa bansang Nrw York kasama ang kanyang minamahal.

Sa naging pagsisimula ni Yam ng kanyang vlog ay ipinangako niya sa kanyang mga tagahanga na marami pa siyang mga vlog na gagawin, upang mabigyan ng kasiyahan at aliw ang mga taong sumusuporta at sumusubaybay sa kanya.

At matapos nga nito ay kanya ng sinimulan ang pagpapasilip ng bakasyon niya sa New York, at una nga rito ay ang kauna-unahan niyang araw sa nasabing bansa kasama ang kanyang boyfriend na si Miguel.

Agad ngang sinimulan ng magkasintahan ang araw sa kanilang naging paghigop ng mainit na kape, at habang nagkakape ay talaga namang pinakilig ni Yam at ng boyfriend niya ang mga tagahanga nila, lalo na nga’t napuno ng kasweetan ang vlog na ito ng aktres dahil sa kanilang matamis na halik sa isa’t isa.

Matapos ang kanilang pagkakape, ay nagsimula nan gang mamasyal ang magkasintahan na talaga namang tuloy pa rin ang pagpapamalas ng kanilang ka-sweetan sa isa’t isa. Kasa-kasama nga nila sa kanilang naging pamamasyal ang alaga nilang aso na si Tiny.

Isa naman sa mga magagandang lugar sa New York na una nilang pinasyalan ay ang mga magagandang street sa nasabing bansa, na kadalasan nga ring pinupuntahan ng mga turista.




Pagkagaling naman sa kanilang naging masayang pamamasyal ay agad na ring bumalik sa kanilang tahanan si Yam at ang kanyang non-showbiz boyfriend. At bago nga tinapos ng aktres ang kanyang vlog ay ipinakita niya muna ang naging pagsalo nila ng kasintahan sa isang masarap na salad.

Sa vlog nga na ibinahagi ni Yam ay kitang kita kung gaano ito kasaya ngayon na nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama ng matagal na panahon ang kanyang nobyo, at sigurado na marami pa silang mapapasyalan at masayang magagawa sa ilang buwan niyang pananatili sa New York.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *