Yam Concepcion Ipinasilip Sa Unang Pagkakataon Ang Tahanan Ng Kanilang Pamilya

Sa gitna ng isang tahimik na village sa Paraṅaque naninirahan ang aktres na si Yam Concepcion kasama ang kanyang pamilya.




Ipinakita ni Yam sa unang pagkakataon ang tahanang ito ng kanilang pamilya, at habang itinu-tour niya ang Starstudio.ph sa palibot ng kanilang tahanan ay sinabi ng aktres na “This is our family home. I grew up here.”

Ikinuwento rin ni Yam na minsan din siyang nanirahan sa loob ng San Lorenzo Village, Makati City eto ay noong nag-aaral pa siya sa Assumption College sa nasabing lugar.

Ayon pa kay Yam ang bahay ba ito sa Sanlo (in short of San Lorenzo) ay kinuha ng kanyang ina upang upahan nila para hindi siya mahirap pumasok.

“Walking distance lang yung bahay sa Sanlo sa school. Malapit lang. But every weekend, dito naman kami sa family home.”

Para rin kay Yam ang tahanan na ito ng kanilang pamilya ay puno ng napakaraming ala-ala, at nais niya na mas marami pang alaala ang nagawa niya sa tahanan nilang ito kasama ang kanyang buong pamilya. Narito naman ang ilang pasilip sa loob ng tahanan ng mga Concepcion.

MAIN ENTRANCE

Image Credit via Google

Isang wooden double door ang agad na makikita sa pinaka main entrance papasok ng tahanan ng mga Concepcion, at pagpasok mo rito ay bubungad agad ang kanilang maaliwalas na living room.

Ang bakuran na ito ni Yam ay tinatayang 800 sq.meters ang lot area, at ang kanilang tahanan naman na dalawang palapag ay nasa 1000 sq. meters floor area.

EXTERIOR GARDEN

Image Credit via Google

Sa unahan at likurang bakuran ng tahanan ay makikita ang mga maliliit na puno at halaman. Sa may bandang kaliwa naman ng Patio ay natatanaw ang garahe na kung saan ay kakasya ang apat na mga sasakyan.

Inamin din ni Yam na, sa kanyang anim na taon na pagtatrabaho sa showbiz ay noong nakaraang taon lamang siya nakabili ng sarili niyang sasakyan na isang Hyundai Starex Van. “Ateast, di ba?”, saad pa ng aktres.

Ibinahagi din ni Yam na ang kanilang pamilya ay may negosyong car appraisals at office space rentals. Ayon pa sa kanya ang kanyang ina noon ang paghahanda ng kanilang mga negosyo, ngunit ngayon na retired na ito kaya ang kuya na niya ang namamahala nito.
“My Mommy just retired, so kuya ko na nagha-handle ng business.”

STAIRS/PAINTINGS

Image Credit via Google

Makikita naman ang wooden stairs na magdadala sayo sa ikalawang palapag ng tahanan, kung saan makikita ang mga silid-tulugan.

Meron namang (7) pitong banyo ang tahanan na ito nina Yam. May mga painting rin na makikita sa loob ng tahanan na ito nina Yam, at ilan sa mga ito ay mismong lika ng aktres kung saan ay binigyan niya ng initial niyang YC.




Ayon pa kay Yam, kung bibigyan siya ng oras at pagkakataon ay nais niyang mag-aral ng pagpipinta. “Kasi gusto ko talaga matuto ng talagang legit na. Soon siguro. Ano lang ‘yung painting ko kasi, parang bara-bara lang. hindi siya ang aral na painting eh. Pero gusto ko matuto.”

MUSIC STUDIO

Image Credit via Google

Dahil band members, kailangan nina Yam at Ce dang kanilang music studio, kung saan kinakanta ni Ced ang mga sinulat niyang kanta.

 

Inamin naman ni Yam nap ag siya ay nagagalit o naiinis, idinadaan niya na lang ang mga ito sa pagpipinta o kaya naman ay sa pakikinig ng mga musika.

KITCHEN

Yam Kitchen naman ang tawag sa isang kusina sa tahanan ng pamilya ng aktres, ngunit maliban dito ay mayroon pa itong dalawang “dirty kitchen”.

Image Credit via Google

Taong 2015 ng mag-aral si Yam ng kursong Culinary Arts sa Center of Culinary Arts Manila sa Quezon City. Ibinahagi din ng aktres na ilan sa mga paborito niyang lutuin ay pasta, steak at mga panghimagas. Ang kanyang kusina rin “Yam Kitchen”, ang isa sa mga paboritong lugar ng aktres sa kanilang tahanan.

BEDROOMS

Image Credit via Google

Anim na silid-tulugan naman mayroon ang tahanan na ito ng mga Concepcion. Ang silid ni Yam ay konektado pa sa isang silid rin kung saan naman makikita ang kanyang mga vinyl collections at ito rin ang silid kung saan siya nagpipinta.

Sinabi rin ng aktres na inaabot siya ng tatlong oras sa byahe galing sa bahay papunta sa mga shooting lalo na kung ang area ng shoot ay sa Pampanga o Quezon City.

“Sometimes 7 a.m yung call time namin, so I have to leave the house at, let’s say, five in the morning.”

“Cut off naming is 2 a.m,. so normally nakauwi ako either 3 or 4 am. MWF (Monday, Wednesday, Friday) siya. Pero minsan may raket din ng Tuesday, Thursday, so puyat puyat din. Kotse na lang. I sleep in the car.”

LIVING ROOM

Image Credit via Google

Ayon kay Yam mula sa Living Room hanggang sa may garahe ng kanilang bahay ay hindi parte ng orihinal na bahay bago nila ito nabili.

Habang nasa living room at iniinterview ay ibinahagi ni Yam na, “Dati, iba oa nakatira dito e., Hanggang sa binili na itong lote na to.” Now the place is a great spot to hang out as natural light enters it during most part of the day.”

Ibinahagi din ng aktres ang mga nais niya halimbawa ng magkaroon na siya ng kanyang sariling tahanan. “Not too big and something na madaling i-maintain”, saad nito. “Gusto ko natural light, so I like windows, maraming windows. I want it to be medyo minimalist nang kunti. I’ll just invest in really good furniture.”




“Gusto ko din yung bahay ko, it will speak so much of myself, my character, based on what I love, like my travels. Pang mga gamit na binibili ko sa iba’t ibang bansa lahat may story.”
“So every part of the house, gusto ko may story. I also want paintings, and even my paintings ihahayag ko din sa future home ko.”

Nang tanungin naman ang aktres tungkol sa kanyang popular na karakter ay isa lang ang advice ni Yam,” You’re just human, It’s normal to make mistakes. But there’s always hope, and you should always believe in second chances. Ang Diyos nga very forgiving e.

Ijust hope na she realizes all her wrong doings and be a better person.Ibinahagi rin ni Yam ang ilang kwento ng kanyang buhay tulad na lamang ng pagiging malapit niya sa kanyang ina, na siya ay isang Mommy’s girl dahil ito ang lagi niyang pinagkukunan ng lakas at nilalapitan sa lahat ng oras.

Ikinuwento rin ng aktres ang kanyang kabataan , ayon sa kanya ay “very normal” ang kanyang childhood days at “Ako ‘yung sobrang bini-baby kasi ako, spoiled brat ako, e. Im a brat.” Nakangiting kwento pa ng aktres.

Ayon pa kay Yam hindi sila masyadong sweet sa isa’t isa ng kanyang Kuya, “Hindi kami sweet sa isa’t isa. Yung lambingan naming, asaran. ‘Yun, mahilig kaming mang-asar. Random lang, mga nonsense lang. Gaguhan.”

Hindi pa rin umano handa siYam na bumukod sa kanyang pamilya sapagkat mas nais niya na habang single siya ay kasama niya ang kanyang ina. “Saka na ako bubukod. I choose to stay with my mom, kasi you know, pag nag-asawa na ako, it’s a different story.

So while I’m still single, I’ll spend time with my mom and just take advantage of the time we spend together.




Ikinuwento rin ng aktres na noong siya ay nagsisimula pa lamang sa showbiz ay nahihirapan siyang mag-adjust at intindihin ang mga tao kung paano nila husgahan ang pagkatao mo sa kung ano ang nakikita nila sa napapanood nila. At ito na lamang ang masasabi ni Yam.

“It doesn’t define who I am as a person. Hindi porke’t naghubad ka, ganito ka na, masama ka ng tao, bastos ka o hindi ka dapat respetuhin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *