Yassi Pressman Hindi Na Nabigyan Ng Oras Ang Kanyang Hilig Sa Pagsasayaw

Isa nga sa mga paborito at talagang inaabangan ng mga manonood sa Kapamilya show, ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano”, kung saan dahil sa talagang patok at minahal ito ng mga Pinoy ay halos may-limang taon na itong ume-ere ngayon sa ating mga telebisyon.
Photo Credit: #yassipressman/Instagram
Itinuturing nga na ang top-billed serye na ito ng aktor na si Coco Martin, ang isa sa mga television show na laging nangunguna sa mga television ratings.



Sa kabila ng naging pagsasara ng ABS-CBN Network, dahil sa hindi inaprubahan ng kongreso ang renewal ng kanilang prangkisa, ay patuloy pa ring napapanood ng mga tagahanga ng nasabing teleserye ang paborito nilang programa sa ilang mga cables at satellite TV.
Photo Credit: #yassipressman/Instagram
Ngunit batid natin na hindi naman lahat ng mga manonood ay mayroong cables at satellite TV. Kaya naman upang makapanood pa rin ang ibang mga solid Kapamilya ng mga paborito nilang programa kahit wala silang cables at satellite, ay naglunsad ang Kapamilya network ng kanilang solid platform sa Facebook at Youtube.
Photo Credit: #yassipressman/Instagram
Samantala, isa sa mga bida sa programang FPJ, Ang Probinsyano ay ang aktres na si Yassi Pressman, kung saan ay gumaganap ito bilang si “Alayana” ang butihing asawa ni Cardo Dalisay [karakter ni Coco Martin].
Photo Credit: #yassipressman/Instagram
Kamakailan lamang, ay nagbahagi ang aktres ng kanyang naging buhay, simula ng siya ay magtrabaho sa FPJAP.
Photo Credit: #yassipressman/Instagram
Matatandaan na bago pa man maging si “Alyana” sa FPJAP, si Yassi Pressman, ay madalas natin siyang napapanood noon sa Sunday noontime variety show na ASAP.
Ngunit, simula ng maging isa siya sa karakter sa FPJ, Ang Probinsyano, ay hindi na nakapag-ASAP pa si Yassi.
Photo Credit: #yassipressman/Instagram
“When the world was still moving, parang wala na masyado [panahon], kaya nahihirapan na rin akong mag-ASAP.”
Ayon nga sa aktres, bago pa man ang pagsabak sa “acting”, ay mas una niya umanong hilig at minahal ang pagpe-perform at pagsasayaw. At dahil sa naging abala siya sa FPJAP, ay nawala na siya ng oras dito, kung saan ayon pa kay Yassi ay miss na miss na niyang magawa muli ang mga ito.
Samantala, dahil sa pagkakaroon ng lockdowns sa mga tapings, ay nagkaroon ang aktres ng oras para maproseso ang mga bagay sa kanyang buhay na namiss niyang gawin.
“Kasi now that I’ve had the time to process what I truly feel…”
“Kasi it got to a point where I was just like a robot, na I just working .. tik-tok-tik-tok.”
“this is what I have to do. This is what I have to do. Tomorrow, the next week, blah, blah, blah.”
Matapos ngang ma-realize ng aktres ang mga bagay-bagay sa kanyang buhay ngayon, ay ninais niya na muling magawa ang dati niyang kinahihiligan gawin.



Ibinahagi rin ni Yassi, na patuloy siyang ine-encourage ng kanyang kapatid na si Issa Pressman, na mas una niyang bigyan ng pansin ang mga bagay na talagang nais niya, dahil ito umano ang nagpapakita ng kanyang totoong pagkatao, at hindi ang karakter na kanilang ginagampanan sa proyektong kanyang ginagawa.
Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito, tungkol sa naging pagbabahagi ni Yassi, sa kanyang tunay na saloobin sa pagiging isang bida sa “FPJ, Ang Probinsyano?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *