Yassi Pressman Nag Mala Maleficent Noong Halloween At Bagong Bahay Na Pinapagawa Ipinasilip Na Rin

Sa naging pagdiriwang ng Halloween noong nakalipas na ika-31 ng Oktubre 2020, ay talaga namang marami sa ating mga kilalang popular na celebrity, ang pinaghandaan ang kani-kanilang mga Halloween costume na kanilang ibinida sa kanilang social media account.




Masasabi nga natin na sa kabila ng lumalaganap na [email protected]@ sa ating bansa, ay hindi pa rin ito napigilan ang marami sa atin, na masayang ipagdiwang ang nakasanayan natin na pagdiriwang natin ng Halloween.

Photo Credit: yassipressman/Instagram

Isa sa mga dalagang hinahangaan na naganap noong araw ng Halloween ay ang ginawa ng ating Dance Floor Princess at mahusay na aktres na si Yassi Pressman, kung saan ay buwis buhay ang kanyang naging pag-ganap upang mapanindigan ng maayos ang kanyang ginayang karakter ni Maleficent.

Photo Credit: yassipressman/Instagram

Noon ang araw ng Sabado, ika-31 ng Oktubre, ay makikita nakasuot si Yassi ng Maleficent costume, na inspired mula sa sikat na pelikula noon na “Maleficent”, na pinagbibidahan ng Hollywood aktres na si Angelina Jolie.

Photo Credit: yassipressman/Instagram

Isang video ang makikitang ibinahagi ni Yassi sa kanyang social media account, kung saan ay nakatayo ang aktres sa pinakamataas ng bahagi ng kanyang ipinapagawang bahay, habang suot suot ang “Maleficent” costume, at umaawra na tila nga si Maleficent sa pelikulang pinag-gayahan niya.

Photo Credit: yassipressman/Instagram

Kalakip nito, ay ibinahagi ni Yassi, kung paanong naging buwis buhay, ang kaganapan upang magampanan lamang niya ng maayos ang pagiging si “Maleficent.”

Photo Credit: yassipressman/Instagram

“Almost fell shooting this video as I climbed up to the scaffolding without a harness lol but… whatever.. Halloween only happens once.” “Well.. well Would you want to Trick or would you want a Treat?” Maleficent #[email protected]

Photo Credit: yassipressman/Instagram

Ayon nga sa aktres, kinunan ang video niyang ito sa pinakamataas na bahagi ng kanyang ipinapagawang bahay. Kung saan ay marahan siyang umakyat patungo sa taas ng walang anumang suot na “harness”, at kumakapit lamang siya ng mahigpit sa mga scaffolding.

Photo Credit: yassipressman/Instagram

Pagbabahagi pa ni Yassi, naging maingat siya sa bawat ginagawa niyang paghakbang patungo sa pinakamataas na bahagi ng kanyang tatlong-palapag na pinapagawang bahay.

“BTS of how I got to the 3rd floor of my construction site, through the scaffolding for my last #Halloween2020 @ChocomuchoPh Trick or Treat post! I was careful!!! Kasi… baka ma-fall Everything for the gram, they say. Hello, @influencerinthewild HAHA”

Samantala, dahil sa ipinakitang “effort” at tapang ng aktres na si Yassi Pressman, para mapanindigan ng maayos ang kanyang pagiging si “Maleficent”, ay maraming mga netizens ang talagang humanga at bumilib sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)

At ang iba nga rito, ay nagkomento pa, sa naturang post ng aktres, upang ipakita ang paghanga nila sa ginawa nito. “Hahaha im proud of you nayyyy iba talaga pag laking fit n right.”




“Opppps! Grabee eh you are the risk I will always take. Ingat”“Grabe ka Yassi love napakatapang mo” “Naku naku mahal naming Alyana magagalit na naman si Cardo niyan! But… ang galing gaing mo ah! ”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)

“Parang mission imposible lang hahahhaa Sa ngayon, ay patuloy pa rin nating napapanood si Yassi Pressman sa Kapamilya channel, sa seryeng “FPJ, Ang Probinsyano”, kung saan ay mahusay niyang ginagampanan ang kanyang karakter bilang si Alyana Dalisay, ang asawa ng karakter ni Coco Martin, na si Cardo Dalisay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *