Ylona Garcia Umani Ng Paghanga Sa Mga Netizens Matapos Ibahagi Ang Pagiging Service Screw Sa Ibang Bansa

Dahil sa pagkakaroon ng krisis na kinakaharap ng maraming bansa ngayon, ay marami sa mga mamamayan ang nawalan o pansamantalang huminto sa kanilang trabaho, ito ay dahil sa ilang mga kumpanya ang tigil operasyon muna o di kaya naman ay tuluyan ng nagsara.



Ngunit sa kabila nito, ay marami pa rin ang hindi nawalan ng pag-asa, at nag-isip ng ibang paraan kung paano sila kikita, upang matustusan ang pangangailangan nila at ng kanilang pamilya. Ang iba nga ay nag-isip ng pagkakakitaan habang nasa kanilang tahanan, at ang iba naman ay naghanap ng ibang trabaho na mapapasukan.
Image Credit: ylonagarcia/Instagram
Kagaya na lamang ng dating Pinoy Big Brother teen housemates na si Ylona Garcia. Si Ylona, ay nakilala sa telebisyon at napasok ang industriya ng showbiz ng siya ay mapabilang bilang isa sa mga teen housemate ng PBB house.
Image Credit: ylonagarcia/Instagram
Matapos nga nito, ay naging popular si Ylona sa telebisyon hanggang makilala na rin siya bilang isang singer, dahil sa siya’y may talento rin sa pag-awit.
Image Credit: ylonagarcia/Instagram
Ngunit ngayon na pansamantalang wala masyadong proyekto si Ylona sa showbiz sa Pilipinas, ay mas pinili muna nito ang umuwi sa bansa kung saan naroon ang kanyang pamilya.
Image Credit: ylonagarcia/Instagram
Matatandaan nga na noong ika-1 ng Hulyo 2020, ay lumipad si Ylona, pauwi sa lugar kung saan siya lumaki, at ito nga ay sa Sydney, Australia. Pagdating nga sa nasabing lugar, ay hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Ylona, at agad siyang naghanap ng trabaho na kanyang pagka-abalahan habang siya ay naroon.
Image Credit: ylonagarcia/Instagram
Sa kanya ngang Instagram account, ay ibinahagi ni Ylona ang kanyang larawan, kung saan ay makikita rito kung ano ang kanyang bagong trabaho na pinagkakaabalahan, dahil sa suot-suot niya ng uniporme.
Image Credit: ylonagarcia/Instagram
Kalakip nga ng larawan ng dalaga ay ang caption na; “hey y’all, I decided to work @mcdonaldsau ( feel free to come thru && I’ll serve you xx”
Base nga sa post ng 18-taong gulang na dalaga, siya ngayon ay nagtatrabaho bilang isang service screw sa isang fast food restaurant sa Sydney, Australia.
Marami naman ang humanga kay Ylona, dahil sa kasipagan na kanyang ipinakita, at maging mga kapwa artista niya ay napabilib rin ng dalaga.
Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng kapwa artista ni Ylona na bumilib sa kanya;
“Get it lil Homie!!!”, saad ni RNB Prince JR. “Stay safe beautiful, I already know u gonna make everyone’s day brighter!”, saad naman ng aktres na si Denise Laurel.



Ilang mga netizens rin ang talaga namang napahanga ni Ylona, kung saan base sa mga ito ay sadyang napaka sipag nga talaga nito. “Kapag nasa ibang bansa ka, matuto ka talaga mag start sa step one mahirap sa umpisa at bawal ang maarti, Proud of this girl.”
“Wow..start a new beginning… God bless and stay safe”
Ito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens, para ipaabot ang kanilang paghanga sa kasipagan ni Ylona.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *