Younger-Looking Photo Ng Aktres Na Si Aiko Melendez Kasama Ang Mga Anak

Nito lamang nakaraan ay nagbahagi ng larawan ang aktres na si Aiko Melendez kung saan ay kasama niya ang kanyang mga anak na sina Marthena Jickain at Andre Yllana. At dahil sa younger-look ngayon ng Kapuso actress ay nagmistula nga lamang niyang mga kapatid ang kanyang dalawang anak.




Ang larawan nga na ito ni Aiko ay muling naging kapansin-pansin sa mga mata ng mga netizens, ito ay matapos lamang ang ilang araw na mag-trending ang kanyang mala-highschool na awrahan sa isa niyang larawan na kanyang ibinida sa Instagram account niya noon lamang mga nakalipas na linggo.

Image Credit via Google

Matatandaan na nagbahagi si Aiko ng sa kanyang Instagram account ng isang larawan niya noong nakaraang ika-15 ng Hunyo, kung saan siya’y makikita na nakasuot ng kumportableng blue tshirt na pinaresan niya ng denim shorts at rubber shoes. Ang kanyang buhok naman ay nilagyan lamang niya ng hairclip, kaya naman maliban sa kanyang ‘fresh look’ ay talagang nagmukhang batang-bata ang aktres, at tila nga ibinalik niya ang kanyang kabataan.

Image Credit via Google

Umani naman ng napakaraming mga papuri at paghanga ang larawan na ito ng aktres mula sa mga netizens, at maging ang mga kaibigan niya sa industriya ng showbiz, ay hinangaan din ang taglay na kagandahan at kaseksihan ngayon ni Aiko. Naging inspirasyon nga para sa mga momshie na tulad niya at sa iba pang mga nais magbawas ng kanilang timbang ang naging pagbabahagi ni Aiko ng magandanng resulta ng kanyang naging fitness journey.

Image Credit via Google

Samantala, nito nga lamang nakaraan, ay umani muli ng papuri ang batikang aktres nang ibahagi nga niya ang larawan kung saan ay kasama niya ang dalawa niyang anak. Sa larawan kasing ito ay kahanga-hanga ang taglay na younger looking glow ng aktres, at mapagkakamalan nga na tila mga kapatid lamang niya ang kanyang mga anak na si Andre at Marthena.

Image Credit via Google

“My Life @andreyllana @jickainmarthena”, ang naging caption ni Aiko sa larawan.
Naging takaw-pansin nga sa mga mata ng netizens ang larawan na ito ng mag-iina, dahil sa edad na 45 ni Aiko, ay tila nagmukha siyang kapatid na lamang ng mga anak niya, kung saan si Marthena ay nasa 14 lamang ang edad at si Andre naman ay 22 anyos pa lamang.
Narito naman ang ilan sa mga naging komento at papuri ng mga netizens para sa kahanga-hangang larawan ng mag-iina;




“Parang magkakapatid lang wow superageless si ate aiks.” “Ay Ate lang ang peg”
“Panganay ka po!!” “Magkapatid lang? Blessed naman… God bless guys.”
Si Aiko Melendez ay nagsimula sa kanyang fitness journey noon pang nakaraang taon, at ngayon nga ay kitang-kita na sa kanyang awra at pangangatawan ang naging magandang resulta nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *