Zeinab Harake Isinilang Na Si Baby Bia Ang Panganay Na Anak Nila Scusta Clee

Isa na ngang ganap na mga magulang ngayon ang popular na social media couple na sina Zeinab Harake, isang sikat na vlogger at Daryl Ruiz a.k.a Skusta Clee isa namang kilalang rapper sa ating bansa.




Mapapanood nga sa espesyal na video na ibinahagi ni Skusta Clee sa kanyang YouTube channel ang naging pagbabahagi niya ng napaka-espesyal na kaganapan sa buhay nila, at ito nga ay ang naging pagdating ng kanilang panganay na anak ng partner niyang si Zeinab na para nga sa kanila ay isa sa mga pinakamagandang biyaya na ipinagkaloob sa kanila ng Maykapal.

Image Credit via YouTube

Isinilang na nga ni Zeinab nito lamang nakaraan ang unang anak nil ani Skusta Clee, at ito nga ay isang malusog na baby girl na pinangalanan nga nilang si baby Bia.

Image Credit via YouTube

Ang video ngang ito ay sinimulan ni Daryl sa pamamagitan ng pagpapahayag niya kung gaano ka-espesyal ang nasabing araw, dahil ito nga ang araw na pinakahihintay nila ng kasintahan niyang si Zeinab.

Image Credit via YouTube

“Sa lahat ng mga naging lakad at naging ganap ko, ito na yung pinaka-importanteng araw at pinakahihintay naming lahat”, ang naging panimula nga ni Daryl sa video. Makikita naman sa video na ito, kung gaano kasuporta si Daryl sa panganganak ni Zeinab dahil hanggang sa delivery room nga ay sinamahan niya ito.

Image Credit via YouTube

Hindi naman niya napigilan na ipahayag kung ano ang kanyang nadarama habang nasa loob ng delivery room at nakikita ngang nanganganak si Zeinab.
“Mixed emotions. Kinakabahan ako”, ang naging saad nga ni Daryl na may halong kaba at pananabik nga ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Image Credit via YouTube

Lahat naman ng naging pangamba nila ay napalitan na ng labis na kaligayahan at galak ng matapos at ligtas na maisilang ni Zeinab ang kanilang munting anghel na si baby Bia.
Para naman kay Daryl, ng mga oras na iyon na nasilayan niya ang anak ay tila nga tumigil ang kanyang mundo.

Image Credit via YouTube

Mapapanood naman sa video na ng lumabas na nga si baby Bia ay emosyonal si Daryl at agad ngang ginusto na masilayan agad ang anak. “Si Bia… Oh my God. Pwede ko na ba siya lapitan?’, aniya.

Dagdag pa niya, “Pinakamagandang biyaya na binigay sa amin ng Panginoon. Tatay na ako, pare!” Ayon pa sa sikat at kilalang rapper, ay malaki ang naging pagbabago ng kanyang buhay sa pagdating ng kanyang anak.

Kung noon ay ang mga materyal na mga bagay lamang ang kanyang binibigyang halaga at hindi man nga lang sumagi sa isip niya ang magkaroon ng pamilya ngayon nga ay unti-unti ng nabalot ng pagmamahal ang kanyang buhay dahil sa pagdating ng kanyang mag-ina.

Pagbabahagi pa niya, masuwerte siya dahil sa mga panahon na kahit siya ay malapit ng sukuan ang kanyang sarili ay may isang tao na hindi siya sinukuan. “Pero mapalad ako kasi, merong isang taong hindi ako sinukuan sa mga kahit ako mismo sukong-suko na sa sarili ko. Paano wala akong pagmamahal sa sarili ko dati eh.

Video Credit: Zeinab Harake/YouTUbe

Pero nang dumatiing kayo, unti-unti akong nabalot ng pagmamahal”, pahayag ni Daryl.
Para rin sa kanya ay life changer talaga ang mga sanggol, ito ay dahil sa nabibigyan nga ng mga ito ng kulay ang buhay ng isang tao, kagaya na nga lamang ng naging pagbibigay ng kulay ni Baby Bia sa kanila ni Zeinab.




Bago naman matapos ang kanyang vlog, ay nagbigay mensahe siya para sa unang anak nila ni Zeinab na si baby Bia, kung saan ay sinabi niya kung gaano niya ito kamahal at ini-welcome nga ito sa pagdating nito sa kanilang buhay.

“Kaya hangga’t kaya ko at hanggang sa huling hininga naming ng Mama mo, pangakong hindi ka namin pababayaan. Maligayang pagdating sa mundo, anak.” Isinilang nga ni Zeinab ang unang anak nil ani Daryl na si baby Bia nito lamang ika-28 ng Abril sa pamamagitan nga ng cesarean delivery.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *