Zeinab Harake Nagmala Snow white, Sleeping Beauty At Cinderella Sa Kanyang Bonggang Maternity Photoshoot

Talaga namang pinaghandaan ng YouTube vlogger na si Zeinab Harake ang kanyang maternity photoshoot, dahil sa kitang-kita sa mga kuhang larawan na talaga namang ito’y bongga sa ganda lalo na’t Disney Princess ang naging tema nito.




Iba’t ibang mga magagandang kasuotan nga ang isinuot ni Zeinab sa kanyang ginawang maternity shoot, kung saan ay hango ang mga ito sa mga Disney Princesses tulad nina Snow White, Ariel ng The Little Mermaid, Aurora ng Sleeping Beauty, Jasmine ng Alladdin, Belle ng Beauty and The Beast at Cinderella.

Photo Credit: zebbiesnatics_official_/Instagram

Sa latest vlog nga ni Zeinab ay kanyang ipinasilip ang naging preparasyon ng kanyang maternity shoot. Ibinahagi rin ni Zeinab, na kaya Disney Princess ang napili niyang tema,

Photo Credit: zebbiesnatics_official_/Instagram

ay dahil noong siya’y bata pa ay talagang sinusubaybayan niya at paborito niyang panoorin ang mga Disney Princesses. Matagal na rin niya umanong pangarap ang makapagsuot ng mga gown na hango nga sa mga kasuotan ng mga prinsesa sa Disney.

Photo Credit: zebbiesnatics_official_/Instagram

Makikita nga sa unang larawan na nag-ala Belle ng Beauty and The Baest si Zeinab , kung saan ay bumagay sa kanya ang dilaw niyang gown. Kasunod nito, siya naman ay nag-ala Aurora ng Sleeping Beauty, at ang suot suot nga niyang kasuotan ay ang gown na kulay pink na tinernuhan ng suot niyang korona.

Photo Credit: zebbiesnatics_official_/Instagram

Tila siya nga talaga si Sleeping Beauty, dahil maliban sa costume ay ibinagay din ang background nito sat ema, kung saan habang siya nga ay nakahiga ay napapalubutan naman siya ng mga nag-gagandahang artipisyal na bulaklak.

Photo Credit: zebbiesnatics_official_/Instagram

Hindi rin naman nagpahuli sa ganda ang kasuotan ni Zeinab kung saan siya ay nagmala-Ariel ng The Little Mermaid. At ang naging background set up naman nito ay ang isang malaking perlas, na napapalibutan ng mga korales.




Nagmala-Snow white din siya, kung saan naman maliban sa costume ni Snow White ay mayroon din siyang dala dalang basket, na pinuno nga ng mga mansanas.
Mas naging prinsesa naman siya tingnan ng isuot na niya ang kasuotan ni Cinderella, na talaga namang nagpalitaw pa lalo ng kanyang angking ganda.

Photo Credit: zebbiesnatics_official_/Instagram

At ang huli ngang Disney priness na kanyang ginaya ang kasuotan, ay si Jasmine ng Alladin.
Hindi nga maitago ni Zeinab ang kanyang kasiyahan sa naging matagumpay niyang maternity photo shoot. Dahil maliban sa talagang napakaganda at bongga nito, ay natupad nga niya ang pangarap niya noon pa na makapag-suot ng mga Disney princess costume.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *