Zeinab Harake Sinorpresa ang Kanyang Ina Ng Isang Bagong Sasakyan Bilang Regalo Sa Kaarawan

Sa kanyang YouTube channel ay isa na namang makabuluhan at masayang vlog ang ibinahagi ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake. At ito nga ay ang naging masayang pagdiriwang nila ng kanyang pamilya ng ika-54 taong kaarawan ng kanyang ina, kung saan ay binigyan nga niya ito ng isang napakabonggang sorpresa na labis na ikinatuwa nito.




Mapapanood sa unang bahagi ng video vlog ni Zeinab kung paano niyang binigyan ng appreciation message ang kanyang ina, na ayon nga sa kanya kung wala ito ay wala din siya sa kung nasaan man siya ngayon.

Image Credit via YouTube

Dagdag pa niya, ngayon nga na malapit na siyang maging isang ganap na ina ay mas lalo pa niyang na-appreciate ang kanyang ina, dahil mas lubos niya ng naunawaan kung gaano kahirap na magdala ng isang sanggol mula sa sinapupunan hanggang sa pagluwal nito at pagpapalaki.]

Image Credit via YouTube

“Mahirap pala talaga magdala ng bata sa tiyan hanggang sa paglaki kaya ngayon ko siya na-appreciate ng sobra-sobra”, ani Zeinab. Pagbabahagi pa ni Zeinab, isa sa mga pangarap niya para sa kanyang ina ay ang mapatayuan niya ito ng bahay,

Image Credit via YouTube

at noon nga siya’y 18-taong gulang pa lamang ay nabigyang katuparan na niya ito. Hindi nga umano matawaran ang labis na kasiyahan niya ng mga panahon na ‘yon, dahil para nga sa kanya ay sapat na makita na hindi sila hikahos sa buhay.

Image Credit via YouTube

Ayon nga kay Zeinab sa bawat tagumpay niya na kanyang nakakamtan ngayon sa kanyang buhay ay hindi maaring hindi niya kasama ang kanyang ina. “Hindi pwedeng mawala siya sa mga milestone na nakukuha ko dahil kundi dahil sa kanya, wala akong ganon o wala ako sa posisyon ko”, dagdag na saad pa ng sikat na vlogger.

Image Credit via YouTube

At para mapasaya nga ang kanyang ina sa kaarawan nito, ay isang sorpresa ang inihanda ni Zeinab para rito na paniguradong ikatutuwa nito, dahil batid niya na matagal na rin itong pinapangarap n kanyang ina.

Image Credit via YouTube

“So ngayon Mama, kung mapapanood mo ‘to. ‘Eto na ‘yung bawi ko sayo sa lahat-lahat ng paghihirap mo saken, samen magkakapatid”, ani Zeinab. Dagdag pa nito, “Etong gift ko sa kanya, hindi sa kanya nanggaling ‘to pero madalas n’yang sinasabi sa ibang taong malalapit sa’men na gusto niya ng ganitong gift kasi kailangan n’ya and masakit din ‘yung puso ko pag nagsesend si Mama na nagjijip silang dalawa ni Lucas.”

Image Credit via YouTube

Para nga sa kaarawan ng kanyang ina ay naisipan ni Zeinab na regaluhan ito ng isang sasakyan, at ito nga ay isang ‘pick-up’, dahil ayon sa kanya ay mahilig bumili ng mga bagay bagay ang kanyang ina kaya naman bagay ang pick up dahil maikakarga niya rito anuman ang mga mabili nito.

Maliban sa sasakyan, ay mayroon na din siyang kinuhang driver para sa kanyang ina dahil hindi naman ito marunong magmaneho, at para rin sa tuwing ito ay aalis ay may kasa-kasama ito.

Video Credit: Zeinab Harake/YouTube/

Labis na kasiyahan naman ang nadama ng in ani Zeinab ng makita niya ang bonggang regalo sa kanya ng anak. Ngunit sa una ay nagdalawang isip pa nga ito na tanggapin ang naturang regalo ni Zeinab, dahil inalala nito ang kalagayan ng anak na malapit nan gang manganak.




Ipinaliwanag naman ni Zeinab sa kanyang ina, na wala itong dapat ipag-alala dahil nakahanda na ang lahat ng kanyang kailangan sa kanyang nalalapit na panganganak.
Saad pa ni Zeinab sa kanyang ina, mahalaga sa kanya na mabigyan ito ng bagay na makapagpapasaya sa kaarawan nito bilang pasasalamat nga niya sa lahat ng naging sakrpisyo nito sa kanilang magkakapatid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *