Zephanie Dimaranan Namangha Ang Mga Netizens Dahil Sa Mga Larawan Noong Pagdiriwang Ng Kanyang 18th Kaarawan

Taong 2019 ng maging kampeon si Zephanie Dimaranan sa unang season ng ‘Idol Philippines’, at magmula ng noon ay marami na ang humanga sa kanya bilang isang mahusay na mang-aawit kahit na siya’y bata pa.




Sa naturang patimpalak nga ay ipinamalas ng dalagita na tubong Biňan, Laguna ang kanyang angking husay, kaya naman talagang kinabiliban ng marami ang pagiging isa niyang mahusay na mang-aawit.

Photo Credit: _zephanieodhene_/Intagram

Mas makilala pa ng madlang pipol si Zephanie nang siya ay napabilang si J.E.Z, isang grupo ng mga mang-aawit na mapapanood sa Sunday noontime show ng Kapamilya sa ASAP. Ang J.E.Z nga ay ang grupo ng mga mang-aawit na kinabibilangan ni Zephanie, at mga kasama niyang sina Janine Berdin at Elha Nympha.

Photo Credit: _zephanieodhene_/Intagram

Kabilang rin si Zephanie sa Ultimate Vocal Showdown, na mapapanood naman tuwing araw ng Linggo sa programang Sunday Noontime Live. Ngayon nga ay ganap ng dalaga si Zephanie, dahil nito lamang ika-14 ng Pebrero ay kanya ng ipinagdiwang ang ika-18 taon niyang kaarawan.

Photo Credit: _zephanieodhene_/Intagram

Sa espesyal na araw nang ito ng young singer, ay ipinakita niya sa kanyang mga tagahanga ang kanyang ‘new look’ na nagpapahiwatig nga ng kanyang pagiging ganap na dalaga. Ibinahagi ni Zephanie sa kanyang Instagram account ang kanyang mga magagandang larawan, na kuha sa kanyang naging birthday photo shoot.

Makikita nga sa mga larawan ni Zephanie, na tila ito’y dalagang dalaga na, lalo na’t napakaganda ng naging pagkakaayos sa kanyang mukha. “Kung bukas hindi mo na ko kilala, huwag kang manalamin”, ang naging caption nga ni Zephanie.

Photo Credit: _zephanieodhene_/Intagram

Kalakip pa ng bawat larawan niya ay ang ibinigay niyang hashtag na #ZephanieShiningAt18.
Tila nga hindi lang magniningning ang bituin ngayon ni Zephanie bilang isang mahusay na mang-aawit, kundi isa na rin sa magagandang personalidad sa showbiz, lalo na’t may lumilitaw na ang kanyang angking ganda ngayon na siya’y ganap ng isang dalaga.

Photo Credit: _zephanieodhene_/Intagram

Samantala, bago pa nga magdiwang ang young singer ng kanyang ika-18th taong kaarawan, ay nauna na niyang ibinahagi sa publiko ang paglabas ng kanyang bagong ‘single’ na pinamagatang ‘Pasensya Na’ sa ilalim ng CS Music.

Photo Credit: _zephanieodhene_/Intagram

Sa naging panayam nga kay Zephanie sa isang Facebook live interview ng MYX, ay nagbigay ito ng ilang detalye patungkol sa kanyang new single, kung saan ito umano ay tungkol sa isang taong nagmahal sa kanyang kaibigan,




ngunit dahil sa takot niyang masira ang pagkakaibigan na mayroon sila ay hindi niya magawang aminin ang tunay niyang nadarama, at mas pinili na lamang din nito ang lumayo.
Ang bagong single ngang ito ni Zephanie, ay ang naging kasunod nga ng kanyang naging matagumpay na ‘hugot song’ na ‘Sabihin Mo Na Lang Kasi’ sa ilalim ng Star Music.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *