Zeus Collins Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Kanyang Non-Showbiz Girlfriend

Si Zeus Collins, ay isa sa mga member ng boy group dancer na “Hashtag” na unang nakilala at sumikat sa noontime variety show na “It’s Showtime”. Isa rin siya sa mga naging housemate’s ng Bahay ni Kuya “Pinoy Big Brother House” kung saan siya unang lumabas at nakita sa telebisyon.




Dahil sa angking kakisigan, kagwapuhan at talento sa kanyang pagsasayaw, ng siya ay lumabas sa PBB ay maraming nag bukas na oportunidad sa binata. Kaya naman ngayon ay hindi kataka-taka na malayo na ang narating ni Zeus, at isa na siya sa mga hinahangaan at sikat sa industriya ng showbiz lalo na sa larangan ng pagsasayaw.

Image Credit via Google

Marami naman sa mga tagahanga ni Zeus ang nais malaman kung may girlfriend na nga ba ito, o kung meron man ay sino nga kaya ito?

Image Credit via Google

Ginulat naman ni Zeus ang mararami sa kanyang mga tagahanga at netizens, ng ipakilala niya sa SocMed ang kanyang non-showbiz girlfriend na nagngangalang Pauline. Sa katunayan.

Image Credit via Google

Dahil sa pinapalawig na Enhance Community Quarantine sa buong Luzon dahil sa banta ng kumakalat na Covid-19, ay hindi na nagawa pang makauwi ni Zeus sa kanyang tahanan at ngayon ay naka-stay siya sa bahay ng kanyang girlfriend kung saan siya naabutan ng ECQ.

Image Credit via Google

At habang naka-stay nga ang Hashtag Dancer sa bahay ng kanyang girlfriend, ay masayang masaya naman ito dahil natulungan niya ang pamilya ni Pauline sa pagre-paint ng kanilang bahay. May isang video post pa nga, na talagang nagpakilig sa marami dahil habang nagpipintura ang dalawa ay nag-kiss sila.

Image Credit via Google

Isa pa nga sa videong kinakiligan ng maraming tagahanga ni Zeus ay ang video nila ni Pauline, kung saan ay parehas silang sumasayaw at nakakakilig nga naman ang caption na nilagay ni Zeus.




“Hindi siya sumasayaw, pero sasayaw daw siya pag ito ang music kasi favorite niya daw ito. Ang galing mo my love. I love you (with heart and kiss emoticon.” Ang naging caption ni Zeus sa video.

Marami naman sa mga tagahanga ni Zeus at mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga positibong komento, kaya naman patuloy sanang maging matatag at sweets pa ang love story ng dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *