Zoren Legaspi Nasorpresa Sa Ginawa Ng Kanyang Asawa At Anak Sa Ika 49 taong Kaarawan

Maituturing na biyaya sa isang pamilya ang pagkakaroon ng padre de pamilya o ama taglay ang mga katangian na, responsable, mabait, mapagmahal at ma-abilidad.




At kung ang isa ngang ama ng tahanan ay ganito ang mga taglay na katangian, ay nararapat na siya’y bigyan ng pagpapahalaga ng kanyang pamilya, lalo pa’t ang isang ama rin ang nangunguna upang maitaguyod at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang buong pamilya.

Photo Credit: mina_villarroel/Instagram

Kaya naman marami sa atin, lalo na sa mga anak at ilaw ng tahanan, ang gumagawa ng paraan upang sa simpleng paraan ay mabigyan ng kasiyahan ang padre de pamilya o ang ama ng tahanan, lalo na tuwing espesyal na araw nito, tulad ng kanyang kaarawan.

Photo Credit: mina_villarroel/Instagram

Isa sa mga celebrity dad na kilala natin lahat bilang isang mapagmahal at responsableng ama sa kanyang pamilya ay ang aktor na si Zoren Legaspi. Siya ay ang gwapong asawa ng aktres na si Carmina Villaruel, at ama ng dalawa nilang anak, na sina Mavy at Cassie.

Photo Credit: mina_villarroel/Instagram

Noon nga lamang ika-30 ng Enero, taon ng kasalukuyan ay ipinagdiwang ni Zoren Legaspi ang kanyang ika-49 taong kaarawan. At upang mabigyan ng kasiyahan ang naturang ama ng tahanan, ay isang surpresa ang inihanda para sa kanya ng kanyang pamilya.

Photo Credit: mina_villarroel/Instagram

Mismong ang asawa niyang si Carmina, ang nagbigay surpresa kay Zoren sa kanyang kaarawan, kung saan ay isang birthday cake ang inihandog sa kanya ng asawa, na ibinahagi naman ni Carmina sa kanyang Instagram.

Photo Credit: mina_villarroel/Instagram

“Happy happy birthday, Tatay @zoren_legaspi”, ang naging caption ni Carmina sa kanyang post. Maging ang kambal na anak nga nina Zoren at Carmina, na sina Cassie at Mavy ay may surpresang mensahe rin para sa kanilang mahal na ama, kung saan ito ay kanila ngang ibinahagi sa kanilang IG account na may caption na;

Photo Credit: mina_villarroel/Instagram

“Happy birthday, Tatay Dinosaur. We love you so much and we are so blessed to have you.”
Hindi man naging personal ang pagbati ni Cassie sa kanyang amang si Zoren, dahil ito ay kasalukuyang nasa lock in taping ng kanyang show, sa pamamagitan nga ng videa call ay masaya niya pa ring nabati ang kanyang ama sa kaarawan nito.

Photo Credit: mina_villarroel/Instagram

Maliban pa nga sa kanilang mga mensahe ng pagbati sa kanilang padre de pamilya o ama ng kanilang tahanan, ay may pa-surpresa pang handog sina Carmina, at ang kambal na Cassie at Mavy, ito nga ay ang isang malaking regalo, na ng buksan ni Zoren ay naglalaman ng isang floating balloons na sa loob ay may nakalagay na mensahe.

Photo Credit: mina_villarroel/Instagram

Labis na kasiyahan naman ang nadama ng celebrity dad na si Zoren Legaspi sa kanyang kaarawan, kung saan sa kabila ng simpleng surpresa sa kanya ng kanyang pamilya, ay damang dama naman niya sa mga mensahe ng mga ito ang pagmamahal ng mga ito sa kanya.

Maging mga netizens naman ay nagawa ring batiin si Zoren Legaspi sa kaarawan nito. Narito nga ang ilan sa mga naging pagbati ng mga netizens;
“Happy happy birthday idol zoren Legaspi. Stay gwapo.”
“Happy birthday zoren, more blessings to come god bless you more.”




“Happy birthday Zoren Legaspi, more birthday in the years to come. God bless you always and God is guiding you always.” “still hunk at 49! Sexy pa rin at lakas pa rin ng karisma. Happy birthday Mr. Zoren” “Happy birthday Zoren… congrats for being a good father.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *