Zsa Zsa Padilla Ipinasilip Sa Publiko Ang “Casa Esperanza” Ang Kanyang Napakagandang Tahanan Sa Probinsya

Mas nag-eenjoy na nga ngayon si Zsa-Zsa Padilla sa buhay probinsya, at mas lalo pa nga siyang nasiyahan manirahan dito ng matapos na ang kanyang magandang tahanan.
Sa kanyang social media channel ay masayang pinasilip ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla, ang kanyang malamansyong tahanan na matatagpuan sa isang probinsya.



Isang modern-rustic design na tahanan ang ipinatayo nina Zsa zsa Padilla at partner nito ngayon na si Architect Conrad Onglao sa Lucban, Quezon, kung saan ay talaga namang nakamamangha ang tahanan nilang ito dahil sa napakagandang tanawin na nakapaligid rito.
Image Credit via YouTube
Ang tahanan ngang ito nina Zsa Zsa at Conrad ay tinawag nilang “Casa Esperanza”, kung saan ay ang Divine Diva ang mismong nagbigay ng pangalan nito, dahil ayon sa kanya ay iyon ang pangalan na ibibigay sa kanya ng kanyang mga magulang.
Image Credit via YouTube
“To those of you who not know, Esperanza is the name my parents gave me. I share the same name with my mother, KATING, whom we fondly call Manga. I never saw the beauty of my name, until others pointed out that it is Spanish for HOPE. It’s beautiful, right?”, ang naging saad ni Zsa Zsa.
Image Credit via YouTube
Matatandaan na noong taong 2018, buwan ng Marso ng simula na ipinatayo ng mag partner na Zsa zsa at Conrad ang kanilang dream project house sa lupain na pagmamay-ari nila sa Lucban.
Image Credit via YouTube
Ayon nga sa Divine Diva, ay talaga namang napakasaya niya ng matapos na ang tahanan nilang ito, dahil ito umano talaga nag kanilang dream project ni Conrad, dahil ito’y para sa kanilang pamilya.
Image Credit via YouTube
Pagpasok pa lamang nga ng “Casa Esperanza”, ay agad ng bubungad ang isang small gravel walkway na magiging daan patungo sa kanilang pavilion.
Image Credit via YouTube
Naging kapansin-pansin rin na isa sa mga nagbigay ng ganda sa tahanan nilang ito ay ang disenyo nito na modern rustic design, kung saan ay ilan sa mga ginamit sa kanilang glass walls at roofing ay mga recycled yakal wood.
Image Credit via YouTube
Isang napakagandang swimming pool naman ang matatanaw mula sa kanilang pavilion, kung saan ayon kay Zsa Zsa ang pool na ito ay mayroong lawak na 5mx25m. Mayroon rin silang pinagawa na 3 casitas, malapit sa kanilang pool.
Image Credit via YouTube



Mayroon ang makikitang lily pond, na malapit sa kanilang pavilion, kung saan ayon kay Zsa Zsa ay nirequest niya talaga ang magkaroon nito. Maging ang meditation house na matatagpuan sa center part ng Casa Esperanza, ay siya rin umano ang nag request.
https://www.youtube.com/watch?time_continue=1&v=7GMStdWsIiA&feature=emb_logo
Bago naman matapos ang naturang video ng Divine Divam ay sinabi nito sa kanyang mga subscribers at tagahanga na, sa kanyang susunod na vlog ay mas marami pang magagandang lugar sa Casa Esperanza ang kanyang ipapakita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *