Zsazsa Padilla Namumuhay Na Ng Simple Sa Kanyang Naipundar Na “Dream Farm House”

October 2018 ng ibahagi nina Zsa Zsa Padilla at Architect Conrad Onglao ang ipinapagawa nilang Farmhouse Casa Esperanza sa Lucban, Quezon.




Sa isang post sa Instagram, ay makikita ang larawan ng dalawa na nakatayo sa isang lupain na parang may ginagawang bahay na napapalibutan ng mga puno.

Photo Credit: zsazsapadilla/Instagram

Saad ni Zsa Zsa, “Hi, guys! Construction of our farmhouse already started. We are also building ponds along with the property and can’t wait to show you when it’s finished. I want to take a picture at this very spot when it’s done., hopefully by next year.

Photo Credit: zsazsapadilla/Instagram

Noon pa pinangarap ni Zsa Zsa Padilla, ang magkaroon ng isang farm kung saan siya ay mamalagi at pwede magpahinga kapag siya ay tumigil na sa pag awit at pag aartista.

Photo Credit: zsazsapadilla/Instagram

Nais niya na makapamuhay ng tahimik at simple pag siya ay nag retiro na sa pag aartista. Kaya naman nagdesisyon siya na bumili ng farm sa isang lugar sa Quezon.

Photo Credit: zsazsapadilla/Instagram

At noong March 2018 nga pinag isipan at pinagplanuhan nila ng kanyang real life partner na si Architect Conrad ang pagpapagawa ng Farm sa Lucban, Quezon.

Photo Credit: zsazsapadilla/Instagram

At ngayon sa kanyang Instagram photo ay ibinahagi ng Divine Diva ang ilang mga larawan na kuha sa kanilang farm kung saan makikita dito ang ilang larawan ng mga pagbabago sa Casa Esperanza.

Photo Credit: zsazsapadilla/Instagram

Makikita sa larawan ang nagtataasang puno ng niyog, mga iba’t ibang tanim na halaman tulad ng kamatis at talong. Mayroon ding larawan si Zsa Zsa na may hawak ang iba’t ibang klase ng gulay at prutas katulad ng kamatis at saging na harvest mula sa kanilang mga halaman sa farm.




Hindi pa man tapos ang kanilang bahay-bakasyunan na pinapagawa doon, makikita naman na nag eenjoy si Zsa Zsa sa pamamasyal sa Casa Esperanza.

Photo Credit: zsazsapadilla/Instagram

Makikita naman sa larawan na nakasuot lamang si Zsa Zsa ng simpleng t shirt, maong na pantalon at bota sap ag iikot niya sa farm. Naibahagi din niya na nag aaral na din sila ni Conrad ng pagtatanim at tamang pag aalaga ng mga halamang gulay. Upang pag marunong na sila ay maaari na silang magtanim at mag alaga ng mga gulay at prutas dito.

Photo Credit: zsazsapadilla/Instagram

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *